sa simbahan, magtalaga bilang kasapi ng klerigo at anumang katulad
3:
magtatag; magsimula; magsagawâ
miracle rice (mí•ra•kél rays)
:
makabagong uri ng palay na bunga ng saliksik sa International Rice Resesarch Institute
International Date Line (ín•ter•na• syo•nál deyt layn)
:
linyang hilaga timog na naglalandas sa Pacific Ocean, una nang isang araw sa silangan nitó ang petsa sa kanluran
International Telecommunication Union (ín•ter•ná•syo•nál te•le•ko• myu•ni•kéy•syon yú•nyon)
:
samahán na may layuning magtagu-yod ng pagtutulungang pandaigdig sa paggamit at pagpapaunlad ng telekomunikasyon
International Labor Organization (ín•ter•ná•syo•nál léy•bor ór•ga•ni•séy• syon)
:
ahensiya ng United Nations na may tungkuling paunlarin ang kondisyon ng pagtatrabaho ng mga manggagawà sa buong mundo
International Phonetic Alphabet (ín•ter•ná•syo•nál fo•né•tik ál•fa•bét)
:
set ng mga simbolong ponetiko na inilaan sa internasyonal na gámit, binuo noong ika-19 siglo upang magkaroon ng eksakto at nauunawaang tumbásan sa tunog at simbolo sa isang wika
International Monetary Fund (ín•ter•ná•syo•nál mo•ne•tá•ri fand)
:
organisasyong internas-yonal na nagtataguyod ng matatag na pananalapi ng lahat ng bansa at nangangasiwa sa tinipong pondo na ipinahihiram sa mga kasaping bansa upang mapunan ang kakula-ngan sa kanilang mga bayarin
International Criminal Police Commission (in•tér•na•syo•nál krí•mi•nál po•lís ko•mís•yon)
:
opisyal at internasyonal na ahensiya na nangangasiwa sa gawaing pampulis ng mga kasaping bansa
international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber)
:
ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat